Kabanata 4 – Kabesang Tales


Tauhan:

Kabesang Tales

Tandang Selo

Lucia

Tano

Juli

Pangyayari:

Dahil sa paghihirap nila ay inangkan nila ang isang pook sa may gubat, at dahil dito’y namatay ang asawa’t panganay na anak ni Tales. Ipinagpatuloy pa rin ang pagsisikap na pag-ani sa lupaing ito, at siya’y umunlad – dahil dito’y sinakop sila ng mga kastila. Naging masagana ang ani ni Tales, at tumataas pa lalo ang buwis na sinisingil sa kanya. Siya’y ginawang Cabeza de Barangay sapagkat siya ang pinakamasipag – nang dahil dito’y dumadami ang babayarin ni Tales. Hindi na nakapag-aral ang kanyang mga anak. Dahil sa pang-aapi ng mga prayle at makakapangyarihan, siya’y nalublob sa utang, at naghimagsik; hindi na siya nagbabayad, at ibibigay nya lamang ang lupa sa taong didiligan muna ito ng dugo ng kanyang asawa’t anak. Patuloy ang pagbabantay ni Tales sa lupa na may hawak na baril. Si Tano ay naging gwardya sibil. Nadakip din si Tales ng mga tulisan; naiwan si Tandang Selo at Juli na may mga utang, at si Juli ay namasukan bilang katulong ng isang matandang pumayag na pautangin sila ng salaping kailangan para sa pagpapalaya ni Tales.

Kaugaliang Pilipino:

Katamaran ng mga Pilipino (at dahil dito’y iba ang nananagutan); paniniwalang gaganda ang kinabukasan at magkakaroon ng mirakulo sa pamamagitan ng pag-aalay ng alahas at kayamana sa imahen
Sakit ng Lipunan:

Pang-aapi at panglilinlang sa mga indyo dahil lamang sila’y mapagkikitaan nga mga Kastila; ang hindi pagbayad ng buwis ng mamamayan kaya’t ang Cabeza de Barangay ang kailangang magbayad mula sa sariling bulsa; pagsanay sa mga Pilipino na magtiis na lamang sa halip na ipaglaban ang sariling kabutihan at kung may nanga-iba rito’y malalagot sila.