Tauhan:

Basilio

Kutsero

Kapitan Basilio

Simoun

Alperes

Pangyayari:

Umuwi na si Basilio sa kanyang tahanan sa San Diego, kung kalian mayroong mga pista at sila’y naabala sa daan dahil nalimutan ng kutsero ang kanyang sedula at kinailangang bugbugin pa ito ng gwardya sibil. Mayroong inilalakad na prusisyon ng mga imahin ng dalawang Kastila, taltong Haring mago, birhen at mga batang may dalang parol. Nabugbog nanaman ang kutsero dahil wala itong ilaw. Nabatid ni Basilio ang usapan sa loob ng bahay ni Kapitan Basilio, kasama ng alperes at ni Simoun. Tila sila lamang ang may masayang kalagayan sa bayan at sila’y nagdaraos ng kalakalan sa mga alahas ni Simoun; pagkadating sa bahay ni Kapitan Tiyago ay ginagalang si Basilio habang siya’y binibigyan ng mga ulat ng katiwala sa mga nakaraang pangyayari nang ito’y nasa ibang lugar. Nabalitaan niya ang nangyari kay Kabesang Tales.

Kaugaliang Pilipino:

Pagsasagawa ng mga prusisyon at pagpapalakad ng mga imahen na ginagalang tuwing pista at bisperas ng Pasok
Sakit ng Lipunan:

Pagbubugbog sa mga taong hindi sumusunod sa tradisyon o batas sa halip na sila’y bigyan ng patas at maayos na parusa