Tauhan:

Simoun

Basilio

Pangyayari:

Habang si Basilio ay nasa gubat, nakarinig siya ng mga yapak ng isang tao sa kagubatan at nang siyang nagmasid, nakita niyang ito ay si Simoun. Dahil hindi nito suot ang kanyang salamin, nakilala ni Basilio ang mag-aalahas na siya palang si Crisostomo Ibarra na tumulong din kay Basilio na ilibing ang kanyang mahal na ina. Tinutukan siya ng baril ni Simoun, at ipinaliwanag naman ni Basilio na si Ibarra ay isang taong mahal sa kanya, dahil sa pagliligtas at pagtulong sa paglilibing ng kanyang ina. Sabi ni Simoun ay dapat silang magtulungan dahil pareho silang uhaw sa katarungan. Isinalaysay ni Simoun ang kanyang paglalakbay sa mundo upang magpayaman, at nanumbalik upang maghimagsik at makitang muli si Maria Clara. Tutol si Simoun sa pagpapatayo ng mga kabataan ng isang paaralan para matuto ng Kastila sapagkat isang paraan daw ito upang makalimutan ang sariling wika, humina ang nasyonalismo. Ang wika ang pag-iisip ng isang bayan at kanyang kalayaan. Pinagtanggol naman ni Basilio na ito’y paraan upang maunawaan, mapaunlad ang pamamahala ng mga Kastila. Ayon kay Simoun, dapat ay sumama siya sa paghihimagsik sapagkat pareho silang tinaksil ng sariling bayan at dumanas ng napakasakit na mga karanasan. Nabatid ni Simoun na hindi niya nakukumbinse si Basilio. Sinabi na lamang niyang kung magbago ang isip ni Basilio at kailanganin ang tulong niya, mayroon siyang bahay sa Escolta. Nagpasalamant si Basilio at umalis. Si Simoun naman, na punung-puno ng kamuhian at paghihimagsik, ay naalala ang kanyang mga pinagdaanan, sina Elias, Don Rafael at Maria Clara.

Kaugaliang Pilipino:

Pagdadalaw sa mahal na yumao na at pagbibigay galang at dasal dito; pagpapahalaga sa utang na loob.
Sakit ng Lipunan:

Ang pagpapaalipin ng Pilipinas sa wikang Kastila, pati sa mga dayuhan; ang pagtanggi sa karapat-dapat na edukasyon.