Kabanata 8 – Maligayang Pasko


Tauhan:

Tandang Selo

Juli

Pangyayari:

Paggising ni Juli ay nabatid niyang walang nangyaring himala at dalawang daa’t limampung piso na dapat ibabayad para sa kalayaan ni Kabesang Tales. Kakailanganin niyang magpa-alila at naghanda na siya upang tumungo sa bahay ng amo. Siya’y umalis na habang si Tandang Selo ay nanatiling napakalungkot kahit na pasko na. Dahil sa labis na kalungkutan ay napipi ang matanda!

Kaugaliang Pilipino:

Pagbati ng “Maligayang Pasko” sa araw na iyon; pagtuturing sa araw na ito na araw ng mga bata at pagdaraos ng misa kasama sila; ang iba’y tumatanggap ng mga aginaldo
Sakit ng Lipunan:

Ang pagdaraos at pagdiriwang ng Pasko nang hindi abot sa puso o kaya’y pilit laman