Mga Tauhan sa El Filibusterismo:

  • Simoun – ang mayamang mag-aalahas, na nakasalaming may kulay, na umano’y tagapayo ng Kapitan Heneral ngunit siya ay si Juan Crisostomo Ibarra na nagbalik upang maghiganti sa kanyang mga kaaway.
  • Isagani – ang makatang kasintahan ni Paulita, pamangkin ni Padre Florentino.
  • Basilio – ang mag-aaral ng medisina at kasintahan ni Juli.
  • Kabesang Tales – ang naghahangad ng karapatan sa pagmamay-ari ng lupang sinasaka na inaangkin ng mga prayle.
  • Tandang Selo – ama ni Kabesang Tales na nabaril ng kanyang sariling apo.
  • Senyor Pasta – Ang tagapayo ng mga prayle sa mga suliraning legal.
  • Ben Zayb – ang mamamahayag sa pahayagan.
  • Placido Penitente – ang mag-aaral na nawalan ng ganang mag-aral sanhi ng suliraning pampaaralan.
  • Padre Camorra – ang mukhang artilyerong pari.
  • Padre Fernandez – ang paring Dominikong may malayang paninindigan.
  • Padre Salvi – ang paring Franciscanong dating kura ng bayan ng San Diego.
  • Padre Florentino – ang amain ni Isagani
  • Don Custodio – ang kilala sa tawag na Buena Tinta
  • Padre Irene – ang kaanib ng mga kabataan sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila
  • Juanito Pelaez – ang mag-aaral na kinagigiliwan ng mga propesor; nabibilang sa kilalang angkang may dugong Kastila
  • Macaraig – ang mayamang mag-aaral na masigasig na nakikipaglaban para sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila ngunit biglang nawala sa oras ng kagipitan.
  • Sandoval – ang kawaning Kastila na sang-ayon o panig sa ipinaglalaban ng mga mag-aaral
  • Donya Victorina – ang mapagpanggap na isang Europea ngunit isa namang Pilipina; tiyahin ni Paulita.
  • Paulita Gomez – kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito Pelaez.
  • Quiroga – isang mangangalakal na Intsik na nais magkaroon ng konsulado sa Pilipinas.
  • Juli – anak ni Kabesang Tales at katipan ni Basilio.
  • Hermana Bali – naghimok kay Juli upang humingi ng tulong kay Padre Camorra.
  • Hermana Penchang – ang mayaman at madasaling babae na pinaglilingkuran ni Juli.
  • Ginoong Leeds – ang misteryosong Amerikanong nagtatanghal sa perya.
  • Imuthis – ang mahiwagang ulo sa palabas ni Ginoong Leeds
  • Pepay – ang mananayaw na sinasabing matalik na kaibigan daw ni Don Custodio.
  • Camaroncocido – isang espanyol na ikinahihiya ng kanyang mga kalahi dahil sa kanyang panlabas na anyo.
  • Tiyo Kiko – matalik na kaibigan ni Camaroncocido.
  • Gertrude – mang-aawit sa palabas.
  • Paciano Gomez – kapatid ni Paulita.
  • Don Tiburcio – asawa ni Donya Victorina.